Find anything:

Saturday, June 26, 2004

PMHS ang pinipili ko

Sa simula, dalawang orgs ang gusto kong salihan: UP PMHS at UP ABM. At dahil crammed na nga ang sched ko, kinailangan kong mamili ng iisa lamang. Ang pinili ko ay UP PMHS. Bakit? Una, una silang nakilala ko. Ikalawa, una akong nakatambay sa lugar nila. Ikatlo, mas ramdam ko ang pakiramdam na pamilya sa PMHS. Ikaapat, masyadong matagal ang tambay hours na kailangan sa ABM. Ikalima at pinakamahalaga, mukhang mas magdedevelop ako as a person sa UP PMHS.

Monday, June 14, 2004

May natutunan ako

Nagsimba ako kahapon. At dahil Corpus Christi ang ipinagdiwang bukas, ang sermon ay tungkol sa tamang pag-uugali sa loob ng simbahan. Ngayon ko lang nalamang dapat pala'y hindi tinatanggap ang katawan ni Kristo o magkomunion kapag may mabigat kang kasalanan o mortal sin. Sa katunayan, sinabi na iyan ng aking nakakatandang kapatid na si Ate Nadia. Hindi sa hindi ako naniwala sa kanya, kundi nais kong makumpirma ito muna. Kaya noong oras na ng pangungumunion, hindi nga ako nagkomunion. Wala akong magagawa kung ganoon ang patakaran ng simbahan. 'Yan tuloy, gusto ko nang mangumpisal.

Sunday, June 13, 2004

Ang taas

UPCM Admissions Information: Applicants AY 2003-2004
ADMISSION POLICIES
The Committee on Admissions has the authority to determine the criteria of selection and to recommend who from among the applicants are qualified students. Selection is based on intellectual and personal preparedness of the applicant irrespective of sex, religious belief and political affiliation.
GENERAL ADMISSION POLICIES
- Only applicants of good moral character shall be admitted.
- Only applicants who have never been convicted of a crime shall be admitted.
- Only applicants with good academic records shall be considered for admission.
- Only applicants with the personality and attitudes considered suitable for a career in medicine shall be accepted.
- The maximum number of students that can be accommodated without negating teaching-learning effectiveness shall be admitted.
- Filipino citizens shall be given priority on admission.
- An admitted student who fails to enrol may be admitted in any succeeding year only after he/she re-applies and is selected on a competitive basis with the rest of the applicants for that year.
- Qualified applicants who are not admitted may re-apply in any succeeding year.
- Other relevant University rules on admission which are not contradictory to the preceding rules shall apply.
THE ADMISSION PROCESS
There are 2 entry points to the College of Medicine: Year Level I and Year Level III (First Year Proper).
ADMISSION TO YEAR LEVEL I (INTARMED)
Selection Process:
High school graduates who have met the requirements for admission to the University of the Philippines System are eligible for admission to Year Level I. Applications are coursed through the University of the Philippines System General Admission Process. The Year Level INTARMED students are selected from the top 50 male and top 50 female college freshmen qualifiers (ranked according to UPG) who indicated in the U.P. College Admission Test (UPCAT) application form their interest in INTARMED.
Only 40 applicants (20 males and 20 females) will be finally admitted into the program following selection process which include interview.
ADMISSION TO YEAR LEVEL III (MEDICINE PROPER)
The Medicine Proper is a 5-year study of basic and clinical sciences, humanities and internship.
Only applicants who will have obtained their Baccalaureate degree (Bachelor in Science or Arts) by the end of school year 2002-2003 or earlier are eligible. Applicants who will obtain their Baccalaureate degree in the summer of 2003 are NOT eligible for admission.
The applicant must have a valid National Medical Admission Test (NMAT) score not lower than 90 percentile taken on April 2001 to December 2002. The NMAT is administered by the Center for Educational Measurement. The applicant who has fulfilled the above requirements will be further evaluated in an interview by a faculty panel. Students who have been dropped from the rolls of the U.P. College of Medicine or other medical schools shall be denied admission or readmission. Medical students from other medical schools are NOT eligible for admission to Year Level III.
The Admissions Committee and the College of Medicine reserve the right to refuse admission to any applicant based on the standards and criteria set forth by the Committee pursuant to its mandate that has been approved by the proper University officials.
- Start of issuance of application forms
for Academic Year 2003—2004 : July 15, 2002
- Absolute deadline for filing of all required
documentation for a complete application : December 13, 2002
8. Applicants who have obtained their BS/BA degree during the first semester 2002-2003 or earlier are encouraged to submit their complete application before the deadline to facilitate the processing of their application.

Napakataas ang grade na kailangan para makapasok ako sa UP Manila College of Medicine. Kaya mo ba yan, Joel? Alam kong kaya mo yan. Kinakailangan mong magsakripisyo para makamtam mo ang iyong pangarap--ang mag-aral ng medisina sa UP Manila College of Medicine.

Saturday, June 12, 2004

Ang sarap matulog

Halos wala akong ginawa ngayong araw na ito kundi matulog. Ang sarap! Ngayon ang ika-106 na taong anibersaryo ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Andami ngang mga iba't ibang pagdiriwang kung saan-saan. Ang kalayaan ay nasa atin na. Binabaliwala natin ito. Iyon ay totoo. Simula noong bumagsak ang rehimeng Marcos, nawalan na tayo ng disiplina. Ang imoralidad at basura ay lumaganap. Hindi pa huli ang lahat. Araw-araw, tayo'y binibigyan ng sariwang pagkakataong magbago.

Freedom

We are free
because of them
our heroes
Don't let
there acts
go to waste

Freedom
don't wait for
it to disappear
It is worth
fighting for
living for
worth
dying for
We already
have it;
all we have
to do is keep it

Fridom

We r fri
coz of dem
r heros
dnt lt
der aks
go 2
wste

fridm
dnt wait 4
it 2 disapir
it s wort
fytng 4
livng 4
wort
dying 4
we olredi
hv it
ol we hv
2 do s kip it

Friday, June 11, 2004

The Unchanging

Who am I?
I am Joel Tolentino Duque
Born on August 05, 1986
A male human being
I love to think I have a purpose
It would be great to die only after success of the mission
In any case, a family would be nice; being with loved ones
I am weak; I have to surrender to somebody
To whom shall I become a slave?
My life is yours, master
I am yours to command
I am here through eternity
My best wishes
Love always
Sincerely yours,
jtduque

Nakakapagod

Katatapos lang ng unang lingo ng semestre. Nakakainis yung Physics 10. Hanggang ngayon, pagkatapos ng dalawang pagkikita, wala pa ring itinuturong aralin sa amin. Binigyan nga kami ng diagnostic test tungkol sa Physics at Astronomy. Ano ba iyan? May bago akong kaibigan. Hindi ko nga alam kung kaibigan din ang turing niya sa akin. Hindi siya namamansin. Para nga siyang galit sa akin. Paano ba naman, nagsaliksik ako ukol sa kanya. Kahit papaano, natutunan ko na ring mahalin ang pagod. Ito'y nangangahulugang nagmamature na ako.

Not enough

Sorry is not enough
Like balloons that will puff
It is soft and fragile
And it only lasts awhile

My sorry, I meant it
It's not just an exit
From the day of my birth
To the ends of the earth

Do you like to hurt me?
Am I a wannabe?
Reason does not suffice
My reaching for the skies

Thursday, June 10, 2004

Walang aklat

Magtatapos na ang unang lingo at wala pa rin akong aklat sa Biology at Chemistry. Walang stock ang National Bookstore--Ali Mall at Superbranch. Hirap talaga maghanap ng ibang libro 'pag estudyante ka ng peyups. Joel, onting tiyaga lang. Kaya mo iyan. Ikaw ang ngayon. Wala kang aanihing hindi mo itinanim. Gusto ko talagang maging manggagamot. Ito'y isang pangarap na matutpad. Nais kong mag-aral ng medisina sa UP Manila. Mga kapwa-Pilipino, lahat kayo'y aking isasama sa aking tagumpay!

Wednesday, June 09, 2004

Ironic

Ang biology ay ang pag-aaral ng buhay. Ngunit malungkot na sa pag-aaral ng buhay, kinakailangan kong kunin ang buhay ng ilang palaka. Ito ay aking nalaman sa pamamagitan ng aking pagskim sa aking biology laboratory manuals. Kawawa naman sila. Hindi naman siguro sila dapat mamatay. Ang dilemma na ito ay matagal nang kontrobersyal. Datapwat, dapat akong magdesisyon ngayon. Hanggang sa kasalukuyan, ang pagdidissect ng isang organismo lamang ang kasalukuyang mabisang paraan upang ang hayop ay mapag-aralan. Ang buhay ng hindi tao ay isasakripisyo para sa buhay ng tao. Kumbaga sa Ingles: "The end justifies the means." Papatay kami ng mga nilalang upang makatulong sa pagsulong ng mga makataong interes. Nakapagpasya ng ako. Hindi na ako maaawa sa buhay ng palaka at iba pang hayop na gagamitin sa mga eksperimento. Naniniwala akong ito'y nasa loob ng pamantayang etikal. Lahat ng mga gawaing makasiyensiya, basta't nakapaloob sa moralidad, ay ating isabuhay.

Tuesday, June 08, 2004

Goodness

I'm tired of the good.
What's with it?
Nothing.
It doesn't pay.

No such thing
as good karma.
Why would I believe it?
It has no basis.

I'm burned out.
Can't you see
that I'm just
So irritated?

Goodness only
is a choice.
It's up to you
to choose.

Pasensya na kayo

Mga giliw kong mambabasa, pasensya na po kayo dahil baka makapagpost na lang ako tuwing Biyernes o Sabado. Alam niyo po kasi, napakadami kong mga aralin sa iskul. Kaya huwag na kayong magtaka kung mapansin niyo mang na hindi na ako aktibo. Sanay naiintindihan ninyong nakatataas na prioridad ko ang aking pag-aaral. Mas mahalaga ito kaysa blog na ito.

Monday, June 07, 2004

Ang unang araw

Ang araw ay dumating na, ang araw na una akong papasok sa eskwelahan. Ano ba yan? Ang aga kong nagising kanina. Hindi ako sanay sa ganyan. Binati ko ng gudlak ang lahat ng nasa ponbuk ko na nag-aaral sa UPD. Dalawang tao nga lang ang nagreply--sina Bob at Boots. Wala naman akong magagawa kung malamig yung nakararami. May takdang-aralin agad ako sa Panitikang Pilipino 19. Alam niyo, ngayon ko lang nalamang ang paksa ng naturang kors: Sekswalidad at Kasarian. Oh my God, magbabasa at manonood kami ng pornograpiya. Hindi naman siguro ako magkakasala dahil gagawin namin ito sa konteksto ng edukasyon. Sana nga lang ay makabuti ito imbes na makasama.

Sunday, June 06, 2004

Gising pa ako

Gabing-gabi na at gising pa ko. Unang araw ng pasukan bukas. Nagmisa nga pala ako kaninang alas siete ng gabi. May asong pumasok sa simbahan. Natuwa nga ako kasi ang lambing nung aso. Yung paring nagsermon ay bagong pari palang. Good luck po sa inyo. At tulad ng karaniwan nilang ginagawa, naki-alam siya sa pamahalaan sa homili. Bakit ba sila (ang kaparian) ganyan? Hindi ba nila naiintindihan na ang kanilang ginagawa ay labag sa saligang-batas? Sige, matutulog na ako.

Saturday, June 05, 2004

May pakiramdam ako

May pakiramdam ako.
Anong palagay mo?
Masisiyahan ako
sa ginawa mo?

Siyempre, hindi no!
Ano ako?
Lulu-luko,
Utu-uto?

Putang ina mo!
Isa kang gago;
Hindi na magbabago
Aking panibugho.

Kaibigan? Kapal mo.
Ikaw ba ay sino?
Isa ka lang tak-ke,
Puno ng mga bulate.

Friday, June 04, 2004

Sa palengke

Kaninang umaga, pumunta kami ng aking ama sa palengke. Ang pamilihang bayan na aming pinuntahan ay ang Q-MART. Mula sa Camp Crame, kami ay tumungo roon sa pamamagitan ng pagsakay sa dyip (Q-MART). Grabe, ang daming mga paninda! Ang pangunahin dahilan namin doon ay ang bumili ng pusit. Sa kasamaang palad, wala kaming nakita roon. Ang binili na lang namin ay apat na pinya, labindalawang itlog (ng manok), at sampung piraso ng balut. Masasabi kong masaya ako tuwing pumupunta kami sa palengke. Bakit? Pambihira kasi iyong nangyayari. At umuwi kami sakay ng air-con na bus (Cubao-Ilalim). Nakakainis nga at sa ibabaw pa rin dumaan ang bus. Pero okey na rin iyon. Hindi mababago noon ang katotohanang sumaya ako kahit papaano.

Thursday, June 03, 2004

Dreams are dark

Dreams never come true
That's why I'm blue
They're our best hopes
Nothing but weak ropes

Floating like a cloud
Never turns loud
Drifts away, slowly
As good as a folly

Aking kamatayan

Mamamatay ako
'Yan ay tiyak
Kung ako'y pamimiliin,
heto ang gusto ko:

Maraming kaibigan
Lahat ay totoo
May iisang asawa
Apat na anak

Mabilis ang libing
Walang iyakan
Walang tawanan
Parang ako

Ipangako ninyong
ang huling hiling
ay di-babaliin,
bagkus, itatayo

Walang basehan

Ang iniisip ko
ay walang basehan
Ito ay malabo
parang lokohan

Hindi kita mahal
'Yan ang totoo
Puro ako daldal
Wala sa tono

Hinahangaan kita
Walang biro
Ang iyong mukha
ay nakatitindig-balahibo

Mahirap tanggapin
Walang basehan
Aking pagtingin
Ahh, umuulan

Natapos ko

Ngayong araw na ito ang unang opisyal na araw ng enrollment. At sa manilwala man kayo o hindi, natapos ko ang naturang proseso, maging ang pagbabayad ng tuition fee. Alam niyo ba, hindi ko inaasahang matatapos ko ito sa loob ng isang araw lamang. Apat na sabjek ang hindi ko nakuha sa CRS (ang online pre-enlistment ng mga sabjek ng UP Diliman). Ang mga sumusunod ay ang mga pinangpalit ko sa kanila: PE 2 - Stretching, Physics 10, Philosophy 10, at Panitikang Pilipino 19. Kakaiba ang nakuha kong schedule; Mondays/Thursdays: 7 A.M. - 2:30 P.M., Tuesdays/Fridays: 7 A.M. - 7 P.M., Wednesdays: 7 A.M. - 10 A.M., at Saturdays: 8:30 A.M. - 12 N.N.

Nakita kita ngayon

Nakita kita ngayon
Ang ganda mo
Haay
Kinakapos ako ng hininga

Wala na akong masabi
kung kaya't
dagli kong itong
tinatapos

Wednesday, June 02, 2004

Paghihintay

Sa aking buhay, may mga pagkakataong kailangan kong maghintay. Ito ay hindi dahil sa aking kagustuhan kundi dahil sa pagkakataon. Nais kong ikwento sa inyo ang nangyari sa akin kanina. Ito ay isang payak na halimbawa ng naturang kalagayan. Galing ako sa mahal kong UP Diliman upang magpatala, miski man lamang sa PE 2 at Physics 10. Sa kasamaang palad, hindi pa raw kami pwede. Ang mga maaaring magpatala ay yaong bago at magsisipagtapos na mga mag-aaral. Haay, umuwi na lang ako. Sayang lang ang oras ko kung piliin kong manatili roon. Wala naman akong nakaplanong gawain doon. At habang ako'y papauwi, sakay ng bus, ang aking kaluluwa'y napuno nang kaligayahan mula sa tiyak na pagtanaw sa mga bagay.

Tuesday, June 01, 2004

Kawalan

Nariyan ka
Sa harap ng kompyuter.
Nakatunganga,
Nagwawala.

Ano ba ang gusto mo?
May pag-asa ba ang pagbabago?
Itigil na ang panggagago.
Huwag ka nang magtago.

Naku! Nakita ko na
Ang di ko alam.
Nagpapawis,
Sa huling bugso ng tag-araw.

Mga huling araw ng kaligayahan

Bukas, pupuna ako sa UP Diliman upang magpalista sa darating na pasukan. Heto ako ngayon, inihahanda ang aking sarili sa isang papalapit na hamon. Anong yayariin ko para maisakatuparan ang aking mithiin? Sa kasalukuyan, ako'y nagbabasa ng isang librong na papamagatang "Word Power Made Easy". Ito ay isang malakas na kasangkapan sa papagpapataas ng kakayahan ninuman sa Ingles. Limang araw na ang lumipas nang sinimulan kong basahin ito. At maaari ko nang isaad ang hatol: "WPME ay napakabisa!"

Medical Books - 1st Year

  • Bates' Guide to Physical Examination and History Taking, Ninth Edition with E-Book (Guide to Physical Exam & History Taking (Bates)) by Lynn S Bickley and Peter G Szilagyi (Hardcover - Jun 1, 2007)
  • Biochemistry (Biochemistry (Berg)) by Jeremy M. Berg, John L. Tymoczko, and Lubert Stryer (Hardcover - May 19, 2006)
  • Clinical Anatomy by Richard S Snell (Paperback - Jun 1, 2003)
  • Clinical Neuroanatomy (Clinical Neuroanatomy for Medical Students (Snell)) by Richard S Snell (Paperback - Jul 1, 2005)
  • Harper's Illustrated Biochemistry (Harper's Biochemistry) by Robert K. Murray, Darryl K. Granner, Peter A. Mayes, and Victor W. Rodwell (Paperback - Jun 13, 2006)
  • Kaplan and Sadock's Synopsis of Psychiatry: Behavioral Sciences/Clinical Psychiatry (Synopsis of Psychiatry) by Benjamin J Sadock and Virginia A Sadock (Paperback - May 1, 2007)
  • Lehninger Principles of Biochemistry, Fourth Edition by David L. Nelson and Michael M. Cox (Hardcover - April 23, 2004)
  • Lippincott's Illustrated Reviews: Biochemistry (Lippincott's Illustrated Reviews Series) by Pamela C Champe, Richard A Harvey, and Denise R Ferrier (Paperback - Jul 1, 2007)
  • Medical Physiology, Updated Edition: With STUDENT CONSULT Online Access (MEDICAL PHYSIOLOGY) by Walter F. Boron and Emile L. Boulpaep (Hardcover - Nov 19, 2004)
  • Review of Medical Physiology by William F. Ganong (Paperback - Mar 8, 2005)
  • Textbook of Medical Physiology: With STUDENT CONSULT Online Access (Textbook of Medical Physiology) by Arthur C. Guyton and John E. Hall (Hardcover - Sep 1, 2005)

Documentaries

  • [Al Fry] Hidden Bible Knowledge
  • [Al Fry] Hidden World History
  • [Alberto Villoldo] Munay Ki - great rites of initiation of the shamanic medicine way
  • [Alex Jones] ENDGAME - Blueprint For Global Enslavement (2007)
  • [Barrie Zwicker] The Great Conspiracy - The 9/11 News Special You Never Saw (2005)
  • [BBC Horizon] How to Make Better Decisions (2008)
  • [BBC Horizon] Is Alcohol Worse than Ecstasy (2008)
  • [BBC Horizon] What on Earth is Wrong with Gravity (2008)
  • [BBC Panorama] Sex crimes and the Vatican
  • [BBC TWO] Alternative Medicine - The Evidence
  • [BBC] Microchip
  • [BBC] Planet Earth
  • [BBC] The Death Of Yugoslavia
  • [BBC] Why Democracy Taxi to the Dark Side (2007)
  • [CBC] The Blue Buddha - Lost Secrets of Tibetan Medicine - Nature of Things
  • [CBC] The Fifth Estate - Spies, Lies, and Secret Weapons
  • [Daniel G. Karslake] For the Bible Tells Me So (2007)
  • [Dave Hunt] A Woman Rides The Beast - The Catholic Church And The Last Days (2006)
  • [David Icke] Revelations of a Mother Goddess
  • [Dokument Dun] Thin
  • [Dr Deagle] Connecting the Dots - Granada Forum (12-2006)
  • [Drew Heriot, Sean Byrne, Marc Goldenfein, and Damian McLindon] The Secret (2006)
  • [Eric Jon Phelps] Vatican Assassins - The Ultimate Conspiracy
  • [Fritz Springmeier] Undetectable Mind Control Lecture
  • [Gary Hustwit] Helvetica (2007)
  • [Hans Jenny, Peter Guy Manners, and Jonathan Goldman] Cymatics - Science Of Sound Vibrations on Matter
  • [Jed Riffe] Waiting to Inhale - Marijuana, Medicine and the Law
  • [Jerry Brunetti] Food as Medicine (2005)
  • [John Pilger] The War On Democracy (2007)
  • [John Steele] Geomancy
  • [League of Noble Peers] Steal This Film (2006)
  • [League of Noble Peers] Steal This Film II (2007)
  • [Matthew Ogens] Confessions of a Superhero (2007)
  • [Michael Tsarion] The Destruction of Atlantis
  • [PBS Frontline] The Medicated Child
  • [Peter Coyote] Out of the Blue - The Definitive Investigation of the UFO Phenomenon
  • [Project Camelot] Project Camelot Interviews (2007)
  • [Science Channel] 100 Greatest Discoveries
  • [Seth Gordon] The King of Kong - A Fistful of Quarters (2007)
  • [William Gazecki] Future By Design (2006)
  • Communis and the EU
  • The Freeman Perspective - Chemtrails - Clouds of Death
  • The Medical Aspects of Nuclear Radiation (2007)
  • Unit 731 - Nightmare in Manchuria (1998)
  • {National Press Club] The Disclosure Project (May 9th, 2001)