Tala: Arbitrarya ang pagset ko ng araw sa dalawang entring sa baba. Ang aktwal na araw ay sa pagitan ng ika-10 ng Nobyembre, 2005 at ika-24 ng Enero, 2006.
10:26 - 10:44 N.U.: UP, mahal ko na
Sa pagpapaaral sa akin ng aking mga magulang sa UP, lalo na sa aking ama. Napag-isip-isip ko lamang na pinansyal ang pangunahing dahilan ng ginawang pang-uudyok ng aking ama sa akin, mga tatlong taon na rin ang nakalipas. Ngayon, nareyalays ko na tila mabuti na narito ako (sa UP), dahil marami-rami rin naman akong mga natututunan tulad ng mga sumusunod:
1. Reyalidad ng kahirapan sa Pilipinas.
2. Pagkakaroon gn kamag-aral na tagaoposit
sex. Hindi nga lang naging maganda ang aking
adjusment. Hindi ko masasabi ng tuwiran na ang aking nagawang pag-a
adjust.
3. Agham at relihiyon. Nadebelop ang
atheist sayd ko sa unibersidad na ito. Hindi naniwala sa diyos at muling naniwala sa kanya, hindi na nga bumalik ang matinding kapit ng doktrina sa akin tulad ng dati.
4. Pagka
meet sa iba't ibang uri ng tao. Walang malinaw na
stereotype kung ano ang isang UP
student 'pag ikaw mismo ang nag-aaral dito.
5. UP bilang akademikong institusyon at barangay. Ang dalawang mga bahaging ito ay pagka- at pagiging UP ng UP ay nagtutunggali at may kanya-kanyang punto. Dapat nga lang tandaan na ang UP ay
first and foremost, isang akademikong institusyon.
6.
Scientific na pag-iisip, atitud. Dati, ako ay manghang-mangha sa
social science, filipino, at
math. Ang mga ito ay nagbago noong ako ay napasok sa aking mga
major subjects bilang
biology student. Kahit papaano, natutunan kong ma
apreciate ang mga buhay sa aking paligid.
10:45 - 10:58 N.U.: PMHS 60%
ruleTungkol sa 60% rule sa PMHS. Noong nakaraang semestre, matatandaan na ako ay isa sa mga pumirma pabor sa pagpapataw ng 60%
rule sa organisasyong UP PMHS. Bilang aplikante noong nakaraang taon, naiinis ako sa mga myembrong hindi mahagi-hagilap kahit na ano ang aking gawin. Kailangan ko kasing magpapirma sa kanila para sa aking sigsheet.
Ngayon, sa ikalawang semestre ng ikalawang taon ng aking pagiging myembro ng organisasyon, nararamdaman kong natatamaan ako nito. Hindi ako nagsisisi anupaman sa ginawa kong pagboto pabor sa pagsasabatas ng pagtatanggal sa mga myembrong hindi aabot ng
attendance sa 60% ng kabuuan ng opisyal na mga
activity ng organisasyon. Nais ko ngang tanungin yung Sec Com na siyang nagre
record ng naturang mga datos.
Habang hindi pa ako natatanggal ngayon, nanghihinayang na ako na baka matanggal ang aking membership sa PMHS na siyang pinaghirapan ko at ng aking pamilya sa loob ng isang taon. Lubos na marami ang pinagawa sa akin sa organisasyon na tila may
extra akong 3
units kada semestre sa panahon ng aking pag-aaplay. Kung sakali, wala akong dapat sisihin kundi ang aking sarili.
Sa kasalukuyan, binabalak kong sumali sa org ni Sir Neil, guro ko sa Bio 12 lab na sa kasalukuyan ay walang pangalan. Kung sakali, maaaring isiping ito ang magiging kapalit ng PMHS. Sana mas magaang ang trabaho at maging mas masaya ako rito.