Find anything:

Thursday, March 31, 2005

New Order's Krafty

About the girl in the music video Krafty. She's simply beautiful. Other than that, the video's really suggestive of sexual intercourse. The lyrics are about sex. The graphics are about sex. The whole video is about sex. I'm starting to think that she's not that sexy anymore. Anyhow, I feel that I got a crush on her. Do you know her name? Will you be kind enough to tell me it? It's my first time to see such a video that's so sexual yet it wasn't censored at all by the authorities. I hope that I will find myself a wife more beautiful than that woman. I hate it when I see through media because the content is so blurred. That's I have a jaded feeling about hearsays and gossips. They're so illogical, baseless, and confusing. Moreover, they destroy lives, families, peace, order, and tranquility. When will a woman kiss me? When will I kiss a woman? When will I truly love another person, not just myself? I don't know. Maybe you know. Please tell me when you do know. Do tell me. Lord, God, Son of Man, please tell me. Tell me the things so I may know. So that I may be able to serve you better. I do not rely on myself but on you only, always. Please forgive me for all of my wrongdoings. Finally, may you plan and change my life forever. Amen.

Post-Holy Week Reflection

It has really been a bad observation of the holiday for me. I didn't go to mass. I didn't go to retreats. I just satisfied myself with playing the computer the whole day. I didn't even bother to do my assignments in class. What a grand waste of time. That's the perfect description of the event. And so, I passed my answers to the Biology 180 - Problem Set 3 late. I submitted it today. Bye-bye, 5 points! Anyway, I would like to react to the topic posted in one of my Yahoo! Groups. It's about game theory. How it is related to Russell Crowe's movie, A Beautiful Mind. About how the guys chose ugly girls over pretty woman. They disliked taking risks. It reminds me of a person who's always afraid of taking risks. Who else? None other but I. My deep insecurities. Of why I am not born to a rich family. Of my guilt regarding my worldly desires. Of my procrastinations. Of not being able to do my best always. My insecurities about people who are more intelligent than me. Of feeling that I am not deserving to be a part of the organization in school, UP Pre-Medical Honor Society. Random thoughts. Destructive tendencies. Suicide? Nah! But I truly want to get them out of my system. I know that it's going to be slow, so slow. Every inch of it will inevitably pain me. But, as it is often said, nothing can be achieved without sacrifices. This is why I am here--ready to face the odds, to make my stand against my enemies. Sanity must come back to Joel. And it must come soon enough.

Thursday, March 17, 2005

UP: Ang Karanasang Nagbago ng Lahat, ang Gabay sa Tamang Daan

Bago natapos ang bagong taon, naisip ko na hindi na ako muna ako gagawa ng isang listahan ng aking mga New Year's Resolution. Bakit? Paano ba naman, taun-tao'y hindi ko ito natutupad. Buksan niyo pa ang pitaka ko. Doon makikita ang nakaraan listahan ko ng gusto kong baguhin sa aking sarili. Puno ito ng mga pulang marka na siyang tanda ng aking pagkakabigo. Pinangako ko sa aking sarili na iuuno ko ang lahat ng aking mga kurso sa lumipas na semestre. Ngunit ano na nga ba ang nangyari? Puro pasang-awa lang ang aking mga grado. Lintek, hindi na naman ako makakadean's list! Kapag minamalas ka nga naman. Ang hirap talaga. Kaysa mahinanakit pa ako sa harap niyo, ituloy na lang natin ito--ang kwento ko.

Simula ng napunta ako sa Unibersidad ng Pilipinas, nagbago na ang lahat. Okey, hindi naman lahat-lahat. Gayunpaman, hindi maikakaila ang laki ng naging pagbabago sa akin. Una, hindi ito isang paaralan ng eksklusibo sa mga lalaki. Haay, kung alam niyo lang, andaming mga magagandang dalaga sa aking paligid. Hindi ito isang simpleng bagay. Hindi sila basta na lamang nariyan. Mga kaklase ko pa sila. Talagang hadlang sila sa aking pakakaroon ng matataas ng mga marka. Imbes na isaulo ko ang mga lamang loob ng maliit na butete na kailangan kong isapuso, sila ang naaalala ko.

Ikalawa, nariyan ang iba't ibang mga propesor. Wala na yung dati kong mga titser na puro propesyunal. Kung hindi niyo alam, dito kasi sa aking pamantasan, ang 'kalayaan' ay hindi limitado sa mga estudyante. Sakop din nito ang samu't saring karapatan ng kaguruan. Sa katunayan, higit pang laganap ang kanilang mga karapatan kaysa sa aming mga mag-aaral. Hitik ang unibersidad sa mga magagaling na guro. Kahit na ganoon, hindi kumpleto ang ligaya rito. Nakakaloko ang kasi ang mga estilo nila sa pagtuturo. Kung makasunod ka, mabuti. Kung hindi, sadyang kawawa ka. Hayaan mo, mayroon pa namang susunod na semestre. O dili kaya'y isamer mo na lang ang nilagpak mong sabjek para hindi ka gaanong madelay. Maraming nababaliw dito. Ewan ko kung isa na ako sa kanila. Paano ba naman, nakagawa ako ng isang akda sa Malikhaing Pagsusulat 10. Bahala na kayong humusga sa akin:

Ang Lohika sa Likod ng Pagiging Ilohikal

Araw-araw kong pinipilit ang aking sarili. Simula sa paggising ko sa umaga, pinipilit ko lang bumangon dahil ayaw kong mahuli ng dating sa una kong klase. Maging sa pagkain, pinipilit ko lang ang aking sarili. Hindi ko na nilalasahan ang aking pagkain. Ang aking paliligo ay ginagawa ko para hindi ako maging mabaho at mahiya sa aking amoy. Ang baon sa eskwela ay pareho lang. Apat na tinapay, dalawang boteng tubig, at sandaan at limampung piso. Araw-araw akong pumapasok sa klase. Oo, hindi ako lumiliban sa klase dahil wala naman akong karamdaman. Ang alam ko kasi, ang isang mabuting mag-aaral ay lumiliban lamang kung hindi niya kayang pumasok sa klase. Nagbabago nga ang tinuturo sa klase. Pero para sa akin, pare-pareho lang sila. Lahat sila ay kailangang isaulo. Hindi ko naman sila talaga nararapat na isapuso. Kailangan ko lang silang maintindihan at patagalin sa aking utak sa loob ng isang semestre. Dapat kong ipakita sa aking mga guro na ako ay may sapat na katalinuhan upang ako'y kanilang ipasa at pahintulutang makatungtong sa susunod na antas.

Ganyan lang naman talaga kapayak ang usapin ng pag-aaral sa loob ng paaralan. Hindi totoong tinuturuan nila ako. Kunwari lang iyan. Sa katunayan, ako ang nagtuturo sa aking sarili. Ang totoo riyan, hindi talaga ako malaya. Ang aking buhay ay tumatakbo ayon sa dikta ng lipunan. Saan ba nanggaling ang batas na dapat makakuha ng animnapung bahagdan upang makapasa? May basehan ba talaga ito? Wala itong lohikal na pinanghahawakan. Sadyang wala.

Ipagpalagay na nating ako ay isang normal na indibidwal, isang nilalang na maaaring kumatawan sa nakararaming tao. Kung gayon, ang ating buhay ay pinaghaharian ng mga paulit-ulit nating mga gawain sa loob ng isang araw. Ang mga ito na lohikal sa kanilang sarili ay walang matibay na sandigan. Dahil dito, hindi natin maiiwasang gumawa ng mga bagay na hindi orihinal dahil sa malinaw na pagkakaugnay ng kasalukuyan at nakaraan. At sa halos lahat ng pagkakataon, tayo ay napipilitan lamang magtrabaho at gumawa ng mga bagay na itinuturing ng lipunang mainam at kapaki-pakinabang. Kung maaari man tayong makawala sa kaapihan ng kapaligiran, walang nakaaalam. Samakatuwid, ohikal lamang na tayo ay gagawa ng mga bagay na ilohikal dahil walang ideya ang sapat ang pagiging lohikal na pagmumulan ng lohikal na mga gawain.

Galit sa mundo. Mukha ba akong galit sa mundo? Hahaha, patikim pa lang iyan ng aking kamandag. Naku, kung nagkaabot lang kayo ng dati kong sarili, hindi niyo na nanaisin na makipagkaibigan sa akin. Tiyak na malulusaw na lamang kayo sa akin pagsabog. Noon iyon. Siyempre, iba na ngayon. Mas mature na ako. Oo, sigurado akong nagmature ako. Dati mahilig akong magtapon ng mga tantrum. Hindi ko lang makuha ang aking gusto, magwawala na ako. Ngunit ngayon, ang aking galit ay hindi na umaabot ng limampung bahagdan ng aking hangaganan. Ayaw ko lang ng gulo. Kung dati, bilang isang batang paslit ay madaling lumabas-pasok sa isang gulo, ngayon hindi na. Sabihin man nilang urong ang aking bayag, wala akong pakialam. Alam ko kasi sa aking loob at sa kaibuturan ng aking malambot na salawal na iyon ay hindi totoo. Gusto mo bang subukan ng malaman para sa iyong sarili? Huwag na lang at baka ikaw ay manliit sa kahihiyan sa sandaling malaman mo ang iyong kamalian.

Ikatlo, natuto akong magpakumbaba. Hindi ako basta-basta na lamang natuto. Natuto ako sa mahirap na paraan. Sa dati ko kasing paaralan, madaling makakuha ng mataas na marka. Hindi gaanong kadali, ngunit tiyak kong higit na madali kaysa eskwelahan ko ngayon. Paano ba naman, ako ay kanilang tinutukan. Dito, bahala ka sa sarili mo. Kung ayaw mong mag-aaral, e di huwag. Walang pipilit sa iyo. Kung mayroon man, kaydali naman nilang tanggihan. Madaling sabihing "Anong tingin mo sa akin, walang sariling utak? Taga-UP ata ako." Gayunpaman, alam kong lahat tayo ay naghahanap ng gagabay sa atin. Sa mahabang daan tungo sa pagtatapos sa kolehiyo, maraming mga balakid na maya-maya'y haharang sa ating landas. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating magtanung-tanong. Magtanong ka sa mga matatagumpay na mga tao sa iyong paligid. Itanong mo kung ano ang tamang daan. Sila'y higit sa maligayang tumulong sa atin. Kailangan lang nating magtanong!

Ikaapat, tinanggap ko ang kakapusan sa pananalapi ng unibersidad na panatilihing maganda ang mga silid-aralan, tanggapan, at paligid nito. Kung hindi niyo alam, mula ng ako'y isinilang ang lahat ng mga paaralang pinag-aralan ko ay pribado. Nasanay kasi ako sa mga upuan at mga bilding na taun-taon pinipinturahan. Sa madaling sabi, nasanay ako sa isang paaralan na mayroong conducive atmosphere for learning. Hindi ko nais maliitin ang UP Diliman. Hindi ko nais gawain iyon. Talagang mahirap lang mag-adjust sa bagong eskwelan. Inabot din ako nf isang taon rin bago ko natutunang mahalin ang aking paaralan. Naisip ko na kahit na kagandahan ang mga kagamitan dito, marami pa rin akong maaaring matutuhan. Hindi lang nakakatipid ang buo kong mag-anak, tinatamasa ko rin ang kalayaan sa paaralang ito. Kumpara sa dati kong mga paaralan, dito lang talaga ako lumaki bilang tao--bilang isang matuwid at kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.

Ikalima at ang pinakamahalaga, nakilala ko ang sarili ko. Noon, nakakulong ako sa kung ano ang sa tingin ng iba na tama. Di bale na kung hindi ako masaya. Ang mahalaga, masaya ang iba sa akin. Ngunit nang pumasok ako sa kolehiyo, nagbago ang aking pananaw sa buhay. Para sa akin, hindi na ganoong kahalaga kung ano ang iniisip ng iba sa akin. Kinumbinse ko rin ang aking sarili na wala silang anupamang uri ng monopolyo ng pagiging tama. Sa una, maaari kang maguluhan sa kabi-kabilang ideolohiyang ihahain sa iyo. Ngunit pagkatapos nito, tiyak aabot ka sa puntong mararamdaman mong makikianib tama. At ako, nakapagpasya na ako. Pinili kong maging mamamayang buo, kapakipakinabang at makabansa. Sana kayo'y nakapili na rin ng inyong magiging bahagi sa makatotohanang palabas na pinamagatang "Mula sa Nakaraan Tungo sa Maliwanag na Bukas". Pupunta ka ba sa taas o sa baba? Sana tulad ko, napili mo ring pumunta sa daang abribasyon ng ating paaralan: UP.

Medical Books - 1st Year

  • Bates' Guide to Physical Examination and History Taking, Ninth Edition with E-Book (Guide to Physical Exam & History Taking (Bates)) by Lynn S Bickley and Peter G Szilagyi (Hardcover - Jun 1, 2007)
  • Biochemistry (Biochemistry (Berg)) by Jeremy M. Berg, John L. Tymoczko, and Lubert Stryer (Hardcover - May 19, 2006)
  • Clinical Anatomy by Richard S Snell (Paperback - Jun 1, 2003)
  • Clinical Neuroanatomy (Clinical Neuroanatomy for Medical Students (Snell)) by Richard S Snell (Paperback - Jul 1, 2005)
  • Harper's Illustrated Biochemistry (Harper's Biochemistry) by Robert K. Murray, Darryl K. Granner, Peter A. Mayes, and Victor W. Rodwell (Paperback - Jun 13, 2006)
  • Kaplan and Sadock's Synopsis of Psychiatry: Behavioral Sciences/Clinical Psychiatry (Synopsis of Psychiatry) by Benjamin J Sadock and Virginia A Sadock (Paperback - May 1, 2007)
  • Lehninger Principles of Biochemistry, Fourth Edition by David L. Nelson and Michael M. Cox (Hardcover - April 23, 2004)
  • Lippincott's Illustrated Reviews: Biochemistry (Lippincott's Illustrated Reviews Series) by Pamela C Champe, Richard A Harvey, and Denise R Ferrier (Paperback - Jul 1, 2007)
  • Medical Physiology, Updated Edition: With STUDENT CONSULT Online Access (MEDICAL PHYSIOLOGY) by Walter F. Boron and Emile L. Boulpaep (Hardcover - Nov 19, 2004)
  • Review of Medical Physiology by William F. Ganong (Paperback - Mar 8, 2005)
  • Textbook of Medical Physiology: With STUDENT CONSULT Online Access (Textbook of Medical Physiology) by Arthur C. Guyton and John E. Hall (Hardcover - Sep 1, 2005)

Documentaries

  • [Al Fry] Hidden Bible Knowledge
  • [Al Fry] Hidden World History
  • [Alberto Villoldo] Munay Ki - great rites of initiation of the shamanic medicine way
  • [Alex Jones] ENDGAME - Blueprint For Global Enslavement (2007)
  • [Barrie Zwicker] The Great Conspiracy - The 9/11 News Special You Never Saw (2005)
  • [BBC Horizon] How to Make Better Decisions (2008)
  • [BBC Horizon] Is Alcohol Worse than Ecstasy (2008)
  • [BBC Horizon] What on Earth is Wrong with Gravity (2008)
  • [BBC Panorama] Sex crimes and the Vatican
  • [BBC TWO] Alternative Medicine - The Evidence
  • [BBC] Microchip
  • [BBC] Planet Earth
  • [BBC] The Death Of Yugoslavia
  • [BBC] Why Democracy Taxi to the Dark Side (2007)
  • [CBC] The Blue Buddha - Lost Secrets of Tibetan Medicine - Nature of Things
  • [CBC] The Fifth Estate - Spies, Lies, and Secret Weapons
  • [Daniel G. Karslake] For the Bible Tells Me So (2007)
  • [Dave Hunt] A Woman Rides The Beast - The Catholic Church And The Last Days (2006)
  • [David Icke] Revelations of a Mother Goddess
  • [Dokument Dun] Thin
  • [Dr Deagle] Connecting the Dots - Granada Forum (12-2006)
  • [Drew Heriot, Sean Byrne, Marc Goldenfein, and Damian McLindon] The Secret (2006)
  • [Eric Jon Phelps] Vatican Assassins - The Ultimate Conspiracy
  • [Fritz Springmeier] Undetectable Mind Control Lecture
  • [Gary Hustwit] Helvetica (2007)
  • [Hans Jenny, Peter Guy Manners, and Jonathan Goldman] Cymatics - Science Of Sound Vibrations on Matter
  • [Jed Riffe] Waiting to Inhale - Marijuana, Medicine and the Law
  • [Jerry Brunetti] Food as Medicine (2005)
  • [John Pilger] The War On Democracy (2007)
  • [John Steele] Geomancy
  • [League of Noble Peers] Steal This Film (2006)
  • [League of Noble Peers] Steal This Film II (2007)
  • [Matthew Ogens] Confessions of a Superhero (2007)
  • [Michael Tsarion] The Destruction of Atlantis
  • [PBS Frontline] The Medicated Child
  • [Peter Coyote] Out of the Blue - The Definitive Investigation of the UFO Phenomenon
  • [Project Camelot] Project Camelot Interviews (2007)
  • [Science Channel] 100 Greatest Discoveries
  • [Seth Gordon] The King of Kong - A Fistful of Quarters (2007)
  • [William Gazecki] Future By Design (2006)
  • Communis and the EU
  • The Freeman Perspective - Chemtrails - Clouds of Death
  • The Medical Aspects of Nuclear Radiation (2007)
  • Unit 731 - Nightmare in Manchuria (1998)
  • {National Press Club] The Disclosure Project (May 9th, 2001)