Mga ilang buwan na rin ang nakalipas
Noong tayong dalawa ay unang nagkita
Ako'y iyong binati; ika'y nagpakilala
Ang tingin mo'y nakakaubos ng hininga.
Limang beses sa isang linggo
Apat na linggo sa isang buwan
Sa bawat araw na tayo nagkakasama
Ika'y napansin ko, ngunit 'di mo batid.
Mangangalahati na tayo sa natakda
Nating pakikisalamuha sa isa't isa
Hindi ko rin kilala ang iyong katauhan
Marahil ganoon din ikaw.
Ngayon ko palang napagnilaynilayan
Ang aking mga pagkakamali, pagkakimi
Siguro mabuti ka naman, magaling
Ngunit baka hindi ko na ito malaman.
Nag-iisip kung ano kaya
Ang naging lagay ng mga bagay-bagay
Kung ako lamang ay naglakas-loob
Na mas makipag-usap tungkol sa kahit ano.
Nasanay na kaya ako sa ganitong pag-uugali
Na kinakailangan ng kasawian upang bumawi
Kahit na sa simula pa lamang ay alam ko na
Ang aking hangganan, ang aking kakayahan?
Lahat ay naghihirap, nagpapakasakit
Dahil sa aking pag-aaglahi sa sarili
Sa mababang antas ng pagtanaw sa aking pagkatao
Dapat akong magbago, 'yan ay sigurado.
Ang sabi nila, ang buhay ay puno ng suliranin
At iyan ang unti-unti kong nadarama sa mga taon
Sa mga pagkakataong may mabigat akong problema
Maraming mga hadlang kaya dapat silang itabi.
Dahil hindi ko pababayaang mapatid
Ang pisi ng aking mga pangarap
At sapagkat ako'y nasa kalagitnaan pa lang
Ng mga pagsubok sa aking buong buhay.

No comments:
Post a Comment