
Hindi ako pumaasa sa med school ng UP. Nakalulungkot. Ito pa naman ang inasahan kong magbibigay sa akin ng morale boost para sa natitirang mga araw ko sa kolehiyo. Umasa talaga ako. Sinabi sa email sa akin ng UERMMMC, magaling daw ako. Lumalabas na magaling nga ako, pero hindi ako nabibilang sa pinakamagagaling sa mga magagaling. Alam ko naman na may basehan ang hindi nila pagtanggap sa akin. 200-katao kaming ininterbyu at 120 ang tinanggap. Masama ang loob ko kasi kung titingnang mabuti, nasa lower 40 percentile ako sa mga umabot sa interbyu. Sa paglalagom, ito ang aking ebalwasyon sa nangyari:
50% - mga grado sa kolehiyo: sobrang baba sa mga pamamatayan nila
40% - NMAT: mataas
10% - interbyu: masagwa, sa palagay ko
* regionalization program: hindi ko ito kinuha. dapat sana'y mas binigyan ko ito ng pansin kaysa pagpapasa ng mga resikitos sa takdang panahon. :(
2 comments:
Best Brother ka pa din ever!
Salamat, ate! Siya nga pala, wala ka namang ibang brother kaya ibig sabihin ako rin ang iyong worst brother. ;-)
Post a Comment